Sa pagtaas muli ng ating kuryente ay nais naming iparating sa lahat ng nasasakop ng Meralco at ng mga Electric Company na sumasakop sa buong Luzon na may panukala ang ating mga magigiting na Senador ng "Mababang Kuryente" na nailathala sa Bagong Tiktik noong nakaraang taon na hindi yata nabibigyan ng importansiya!
Ano ba talaga ang problema ng mga mamamayan ng "Pilipinas" at hindi maibigay sa atin ang mga ipinangangako ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno?
Sa nakaraang mga araw, sabi ang problema daw ayon sa Media ay dahil sa kakawalan ng tubig sa "Dam" kaya hindi mapaandar ang mga "Hydro Electric Power Plant" na nasa mga "Dam" na ito. Ngayong naguulan na, ang sabi naman ay hindi mapapaandar ang mga plantang ito ng Napocor dahil kinakalawang na, sanhi ng pagkatuyo ng tubig ng nakaraang mga araw sa mga "Dam" na ito!
Ang taong bayan ay gulong-gulo na ang pagiisip sa pagtaas ng pagtaas ng ating kuryente, gusto man nilang magbayad ng maayos ay hindi magawa dahil sa kakulangang ng budget, sa ngayon halos wala na silang maibigay na baon ng kanilang mga anak sa pag-aaral dahil inilalaan nilang pangbayad sa kanilang kuryente, sa pagtaas muli nito na inihayag muli kagabi sa mga TV News ay baka paglakarin na lang nila ang kanilang mga anak papunta sa eskuwela kung ito ay namamasahe, wala kayang magagawa ang ating bagong administrayon dito sa problemang ito?
Kung ang problema lang ang "Pagsasa-Pribado" ng Napocor na hindi napapayagan ng bagong administrasyon ay payagan na, na mapunta ito sa mga hidhid na namumuhunan kung ito lang ang sagot sa pagbaba ng kuryente, tutal sanay na naman tayong ibenta ang mga pag-aari ng gobyerno!
At kayo namang namumuhunan, ang tangi naming masasabi sa inyo, ang mga perang patuloy ninyong pinararami ay hindi naman ninyo iyan madadala sa impiy.... na ibibigay sa mga demo... para lagyan kayo ng aircon, dahil sa impiyer.. man ay mataas na din ang kuryente dahil sa kagagawan ninyo!
********888********
Kung hindi po mabasa ang nakalarawan ay mangyari pong paki-klik ang "My web page" na makikita sa aming "View my complete profile", salamat po sa inyong mga nagbasa nito, at nawa'y kaawaan ng ating "Panginoong Diyos" ang bansa nating papunta sa mas lalong paghihikahos, GOD Bless po sa lahat!

No comments:
Post a Comment