Mag-ingat ng pagsakay ng bus!
Ang may akda nito ay ayaw na sanang magkomento tungkol dito pero sa naririnig nating laging mga balita tungkol sa napakaraming mga aksidente ng bus at trak ay hindi na makatiis at minarapat na ding gumawa ng ganitong blog at baka may mabait tayong mambabatas na gumawa ng batas alinsunod sa artikulong ito!
Hininhingi ko din ng tulong sa mga makakabasa nito na ito ay i-share ninyo sa inyong mga kaibigan ng sa gayun ay kumalat ng kumalat ito, sa ganitong paraan ay maaring mabawasan kung hindi man mawala ang napakaraming aksidente sa ating bansa, may narinig na ba kayong bansa na ganito karami ang aksidente, sa palagay ko wala pa dahil lagi akong nanood ng balita gayun din sa mga balita sa internet!
Paano ho ba tayo makakapag-ingat? Ang inyong lingkod ay nagbiyahe na ang mula Aparri hangang sa dulo ng Mindanao ng nakasakay lang ng bus, at sa maniwala kayo o sa hindi, pag nakikita kong wala sa wisyo ang driver ay pinagagalitan ko, at ang lagi kong sinasabi "Marami ang dala-dala mong buhay, hindi lang ang buhay mo", pag narinig na niya iyon ay tiyak na magbabago na siya ng pagmamaneho!
Kung kayo ho ay nakasakay ng isang bus, lalo na kung ito ay malayo ang biyahe, huwag kayong mahiya na magtanong sa driver, kung nakatulog na ba siya ng maayos, o baka nakainom siya, at kahit na anong tanong para maging alerto siya sa pagbibiyahe, at obserbahan din siya kung naka-droga (Madaldal ang naka-droga parang lasing) dahil buhay ninyo ang nakataya diyan sa pagmamaneho niya!
Alam ninyo ba na 95 % ng mga driver ang hindi namamatay pag may aksidente sa bus, bakit ho ba nagkakaganoon, karamihan ng namamatay ay may head injuries, ang driver ay nagkakaroon ng pagkakataon ng takpan ng kanyang mga braso ang kanyang ulo dahil alam niya kung mababanga o mahuhulog ang kanyang minamaneho, ang mga pasahero ba ay alam iyon, hindi ho di ba?
Kung sakali na ito ay mangyayari sa inyo, huwag nawang ipahintuloy ng Diyos, ay maging instinct na sa inyo na ulo kaagad ang proteksiyunan ninyo, ipulupot ninyo ang inyong mga braso panangalang sa inyong ulo, hindi na baleng magkapilay-pilay kayo kesa mamatay, kung maari nga naka-helmet lahat kayong sasakay sa bus dahil hindi ninyo alam ang mga ito:
Karamihan sa mga bus driver ay hindi nagdaan sa non-pro ang lisensiya, from student permit, punta agad sa pro dahil gusto nilang magtrabaho ay kukuha agad ng pro dahil napakadaling makakuha nito basta may pera ka lang walang problema!
Karamihan sa kanila ay hindi kumuha ng written examination sa pagmamaneho ng bus, alam ninyo ba na napakahirap ng written examination ng pro license, papaputol ko ang t... ko kung makapasa sila sa examination ng pro, kahit na yung matagal ng nagmamaneho ng bus, yung ngang mga traffic sign di nila alam kung ano ibig sabihin makapasa pa kaya?
Alam ba natin na karamihan sa kanila ay galing sa pagmamaneho ng tricycle o kaya jeepney, hindi ko naman tinatawaran ang kakayahan nila dahil ang eksperiensiya ay mas magaling kesa sa nakapag-aral pero hindi dito sa pagmamaneho, hindi iyon kapanipaniwala dahil buhay lagi ang nakataya dito!
Alam ba natin na lagi silang nagmamadali sa pagmamaneho kahit na may problema ang sasakyang bus dahil ang bayad sa kanila ay per biyahe?
Sino ba ang may problema dito sa mga nangyayaring aksidente ng mga bus, ang operator, ang driver, o ang gobyerno? Kung tutuusin lahat sila may problema kaya dapat lahat sila magbayad sa naulila ng mga namamatay!
Ano-ano ba ang mga dapat gawin para di na maulit ang mga ganitong aksidente sa bus o trak, ang mga ito ay suhesyon lang at hindi ko sinasabing gawin ng mga kinauukulan, at baka sabihin ninyong wala naman akong alam sa inyong mga kalakaran!
Una: Dapat uling bigyan ng written examination ang mga driver ng trak at bus, Tagalog na lang at tiyak hindi naman nila ipapasa kung English, ang mga hindi makapasa huwag ng pagmanehuhin ng bus, sa jeepney o tricycle na lang siya!
Pangalawa: Gawin na lang Tagalog ang lahat ng traffic sign, karamihan kasi sa kanila hindi naman pinag-aralan ang mga senyales sa daan!
Pangatlo: Huwag ng per biyahe ang bayad sa mga driver para hindi nagmamadali, gawin ng arawan na katulad ng mga empleyado ng kumpanya, huwag ng maging suwapang ang mga operator dahil mas malaki ang mawawala sa inyo kung magkaka-aksidente ang inyong mga bus!
Pang-apat: Igaya na natin sa Amerika ang mga driver ng mga bus o maging pribado man, lahat dito kailangan naka-insured ang driver bago mo mairehistro ang iyong sasakyan, hindi mo mairerehistro ang sasakyan pag walang designated driver, at pag marami kang aksidente mataas ang bayad mo ng insurance premium, at mayroon silang bilang kung kukumpiskahin na ang lisensiya mo, at pag wala ka namang aksidente, bukod sa mababa ang bayad mo ng insurance papadalan ka pa ng pagbati o citation every year na wala kang aksidente. Di ba ito kaya sa bansa natin? Mga manbabatas gumawa na kayo ng batas base sa artikulong ito!!!!!
Ngayon kung tatanungin ninyo ako bakit ko alam ang kalakaran ng pagkuha ng lisensiya, ganito ho yun, 1968 pro driver na ako, nagbayad ako ng 40 pesos at wala ng eksa-eksamen, di na ko nagdaan ng student permit kahit hindi ako marunong magmaneho, tinuruan lang ako ng bayaw kong magmaneho o nagpaturo kahit pro na lisensiya ko, dahil kukuha ako ng eksamen sa driving sa kumpanyang papasukan ko, ang PLDT na napakahigpit ang eksamen sa pagmamaneho na napasahan ko naman, at dito na sa kumpanyang ito naging talagang eksperto ako sa pagmamaneho, pero hangang ngayon takot pa din akong magmaneho ng malalaking sasakyan kahit na wala akong aksidente sa loob ng 42 years kong pagmamaneho, dahil iniisip ko, ang minsang pagkakamali ay katumbas ng maraming buhay.....
Salamat ho sa mga nagbasa at inuulit ko, paki-share na lang po sa inyong mga kaibigan ang blog na ito, mahal ko ang mga kababayan ko kaya ako gumawa ng ganitong blog, GOD Bless sa lahat!
A division of "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.". We are the groups of people who has no tattoo that are helping the "GUARDIANS" do the "Humanitarian Care" and "Protection of Environment" activities!
Sunday, August 22, 2010
Friday, August 13, 2010
Ano ba talaga ang VCO?
Ano ba talaga ang VCO?
Maaring nagtataka kayo bakit ang larawan ng bunga ng Manga ang siyang nakalitrato dito sa "Ano ba talaga ang VCO?" na isang artikulo o blog ng makakalikasang grupong "Guardians for Humanity and Nature" na dito inilagay ng inyong lingkod, ni Founder Jimrey, at ito po ang siyang magiging topic natin ngayon!
Ano ba talaga ang VCO? Ang VCO ay pinaikling salita ng "Virgin Coconut Oil" na siyang palasak na katawagan sa ating mga pamilihang bayan, pero alam ba natin kung saan at sino ang nag-umpisa nito? Kung hindi natin alam ay hayaan ninyong ihayag ko ito:
Ang pag-gawa ng VCO o Birheng langis ng niyog ay matagal ng ginagawa ng ating mga kababayang Pilipino o kahit saang bansa man na may tanim na Niyog sa malamig na pamamaraan o cold process, at ito ay nagumpisa noong pang mga unang taon ng 1900, gayundin ang paglalatik o sinasabing pagkuha ng "Langis sa Niyog" na ito ay iniluluto, pero ito ba ang sinasabing nakakagaling ng mga sakit na siyang kumakalat ngayon sa mga pamilihan, na gawa naman ng makina, na kaya nila sinasabing cold process ay dahil katamtaman lang ang init na ipinanluluto?
Wala naman tayong pagtatalunan kung itong mga nasa pamilihang bayan ay sasabihin nating "Virgin Coconut Oil", pero ito ba ang tunay na nakagagaling?
Balik tayo sa "Bunga ng Manga", ito po ang kauna-unahang bunga ng puno ng mangang ito na itinanim ng aking namayapang bayaw na si Juanchito Nicolas sa sakit na Leukemia noong taong 2002, siya po ang pangalawa sa kanilang magkakapatid na namatay sa Leukemia, ang una po ay si JenJen o Gina Nicolas noong hindi pa siya nagkaka-asawa ng Amerikano kaya siya ay naging Gina Clark na noong namatay sa Texas noong 1999, sila ay mga kapatid ng asawa kong si Ellen na siya kong ikinatakot na baka manahin ng mga anak ko kung hereditary o minana ang pinanggalingan!
Taong 2003, sa paglilibot ko sa paghahanap ng mga bagay na makakatulong sa ating kalikasan ay ipinasiya ko na pag-aralan na din ang kagalingan ng ating "Bunga ng Niyog" dahil sa naririnig ko na ito daw ang "Tree of Life" ng Pilipinas, iba yung sa China na maliliit ang bunga, na talagang "Tree of Life" ang pangalan ng puno, na hindi naman tumutugma sa "Revelation 22.2" ng ating Biblia, mas malapit ang ating "Bunga ng Niyog" kung inyo itong babasahin, kaya ang konsentrasyon ko ay napako sa "Bunga ng Niyog"!
Sa tulong ng mga kaibigan kong mga inbentor, lalo na kay Professor Luis Cervantes ay nabuo ko ang kauna-unahang "Copyright" ng sistema ng pag-gawa ng Birheng Langis ng Niyog sa tulong ng mga ensema (Enzymes) ng mga prutas at gulay na siya kong ginagamit na panluto ng gata ng Niyog, ang init nito ay katumbas lang ng init ng katawan ng tao kung may sinat kaya hindi niya din nasisira o napapatay ang "Ensema ng Niyog" na siyang napakahalagang bagay o sangkap kung gusto mong makagaling ng mga sakit ang "Virgin Coconut Oil"!
Ang ginawa kong pangalan o trade mark sa copyright ay ang "Bio-Alca Virgin Oil" na binigyan ng Registration No. O 2003-339 at Registration Date na December 3, 2003, wala akong inilagay na "Coconut" sa pangalan dahil hindi lang langis ng niyog ang nandirito kung hindi maging ng langis ng mga prutas at gulay dahil sa ginamit kong ensema!
Early part ng 2004 ay sinubukan naming gumawa nito sa korporasyon gamit ang aking mga ensema ng prutas at gulay, at dahil sa hindi ko tinuturo ang pag-gawa ng ensema na siyang gumagawa ng birheng langis ng niyog ay hindi kami magkasundo-sundong ng mga Direktor, at ipinipilit nila na makina na lang ang aming gamitin para mas marami ang prodaksiyon o magagawang langis, na hindi ko pinayagan bilang Presidente ng korporasyon dahil ang katwiran ko hindi iyon makakagaling at baka makasama pa sa katawan ng tao, na siyang isang dahilan bakit ko iniwan ang "Lunas Kalusugan Corporation" na nakabase sa San Pablo, Laguna.
Bago ako umalis sa kanilang korporasyon ay naipakilala ko na ang galing ng "Bio-Alca Virgin Oil" sa mga lugar sa Quezon at Laguna, kaya sa pamamagitan ng word of mouth ay kumalat ito, kahit na dito sa amin sa Meycauayan ay maraming nabiyayaan nito, kaya ipinasya kong gumawa ng sariling kumpanya kasama ng anak ko dahil isa naman siyang Nutritionist ay itinayo namin yung kumpanyang Bio-Alca Virgin Coconut Oil Manufacturing o BAVCOMAN, ngunit sa kasamaang palad ay kailangan na akong pumunta sa Amerika dahil masisira ang "Permanent Residence Visa" ko, at ako ay umalis ng June 1, 2005 at naibigay ang aking BFAD License to Operate noong July 4, 2005, isang buwan at apat na araw na nasa Amerika na ako, at ang akin namang anak ay naaprobahan ang Singapore Working Visa niya kaya nahinto ang pag-gawa ng "Bio-Alca Virgin Oil" at wala kahit isang bote man na nailabas!
Nobyembre, taong 2005 ay kumalat na ang "Virgin Coconut Oil" na iba-ibang tatak ang lumabas sa pamilihang bayan, marami siguro ang nakaalam na ako ay nasa Amerika na kaya sila gumawa nitong mga ganitong produkto, dahil kung nandito ako sa Pilipinas ay tiyak na sisiraan ko sila dahil nasa akin nga ang copyright nito.
Sa Amerika, hindi pa din ako tumigil sa pag-aaral ng galing ng langis ng niyog, kailangan ko pang mag-enrol sa mga Natural Healing School at sumali sa mga Foundation para gumawa ng libro tungkol sa langis ng niyog. Sa Weston A. Price Foundation ng Maryland ay nakausap ko si Dr. Mary Enig, isa siya sa lumalaban sa American Soya Bean Association na palitan ng langis ng niyog ang kanilang "Soya Cooking Oil" dahil sa dami ng sakit na nakukuha sa Soya, kumuha ako ng ilang mahahalagang bagay sa kanyang mga librong ginawa para magawa ko ang mga librong "If you do not want to live longer, healthy, and happy, do not read this little book", ito ay USA Copyrighted na binigyan ng Registration No. TXu1-624-231 at yung "Asian's Art of Healing" na may Registration No. TXu1-624-785, at sa parehong petsang naibigay noong February 11, 2008, ang mga librong ito ay rehistrado din sa ating bansa, hindi ko naman ito ipagbibili bagkus ay ipamimigay ng aking Foundation kung may tutulong sa amin na maimbag ito!
Bakit ko sinama ang puno ng Manga sa artikulong ito, ito po ang dahilan: Simula ng mangyari ang bagyong Ondoy ay tinigilan ko ang paggawa ng aking ipinamimigay na produkto, nasira lahat o namatay ang mga ensemang aking inaalagaan, lumubog ang aming laboratoryo at malaking pera ang kakailanganin para bumuhay muli nito, at isa pa "Foundation" itong naka-rehistro sa aming grupo kaya pag humingi sa iyo ng produkto ang iyong miyembro o taong maysakit at walang pera, ay wala kang magagawa kung hindi bigyan ito, ang katwiran ko nakakatulong naman, pero dahil kahit ang bangko ay nauubusan, ang Foundation ay wala na ding perang pang-gawa nito, at isa pa masyado akong naging abala kung paano ko ba makukumbinsi ang mga tao na magkatulong-tulong para sa ating namamatay na kalikasan. Binalak ko na ding manghingi ng tulong sa mga munisipyo at siyudad maging sa mga ahensiya ng gobyerno noong nakaraang dalawang taong pamamalagi ko sa Pilipinas para magawa ang mga ensema at makinaryang tutulong sa ating kalikasan at kalusugan pero talagang walang tumulong sa amin!
Sa ngayon ay hindi na ako natatakot na dumapo ang sakit na Leukemia sa aking pamilya, isa sa mga dahilan bakit ko ba pinag-aralan ng husto ng galing ng ating "Tree of Life", at alam ko na ang aking mga gagawing pagtulong sa aking mga kababayang magkakasakit, dahil hindi na natin ito maiiwasan gawa ng pagkain natin ng mga junk foods, mga ginamitan ng kemikal na panamim, at mga sakit na nakukuha sa dumi ng ating kapaligiran!
Sa ngayon ay hindi na ako natatakot na dumapo ang sakit na Leukemia sa aking pamilya, isa sa mga dahilan bakit ko ba pinag-aralan ng husto ng galing ng ating "Tree of Life", at alam ko na ang aking mga gagawing pagtulong sa aking mga kababayang magkakasakit, dahil hindi na natin ito maiiwasan gawa ng pagkain natin ng mga junk foods, mga ginamitan ng kemikal na panamim, at mga sakit na nakukuha sa dumi ng ating kapaligiran!
Sa pag-bunga ng kauna-unahang bunga ng Manga na hindi ko na inaasahang magkakabunga dahil halos sampung taon ng nakatanim sa aking looban ay hindi kaya senyales ng aking bayaw na namatay na ituloy ko ang pag-gawa nitong mga produktong pangkalusugan at humanap ng mamumuhunan, gayundin ang balak kong sa mga may-ari ng kumpanya naman humingi ng dagdag tulong.....wala namang mawawala sa kanila dahil kung anuman ang kanilang itutulong ay maibabawas sa kanilang mga buwis dahil ang atin naman pong "Foundation" ay isa ding ahensiya ng Department of Social Welfare and Development, at muli kaming lalapit sa mga ahensiya ng gobyerno dahil bago na ang ating "Presidente" ng bansa at baka yung kanilang pondo para sa ating kalikasan ay magamit na ng maayos......ito naman po ay gagamitin para sa ating mga basura, sa ating mga kailogan, kalusugan, at kalikasan.......dahil nasasa puno at bunga ng niyog at ensema ng mga prutas at gulay ang sagot sa ating kaligtasan.......ano ho sa palagay ninyo?
Sinulat ni: Jaime Leandro F. Reyes (Founder Jimrey)
Ang lathaing inyong nabasa ay isasama sa librong "Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas"!
Basahin ang testimonials page ng ating website, i-klik ang mga letra sa ibaba ng pangalan ni Founder Jimrey o kaya panoorin ang aming video na makikita sa blog na ito para sa mga karagdagang impormasyon!
Friday, August 6, 2010
Mababang Kuryente
Sa pagtaas muli ng ating kuryente ay nais naming iparating sa lahat ng nasasakop ng Meralco at ng mga Electric Company na sumasakop sa buong Luzon na may panukala ang ating mga magigiting na Senador ng "Mababang Kuryente" na nailathala sa Bagong Tiktik noong nakaraang taon na hindi yata nabibigyan ng importansiya!
Ano ba talaga ang problema ng mga mamamayan ng "Pilipinas" at hindi maibigay sa atin ang mga ipinangangako ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno?
Sa nakaraang mga araw, sabi ang problema daw ayon sa Media ay dahil sa kakawalan ng tubig sa "Dam" kaya hindi mapaandar ang mga "Hydro Electric Power Plant" na nasa mga "Dam" na ito. Ngayong naguulan na, ang sabi naman ay hindi mapapaandar ang mga plantang ito ng Napocor dahil kinakalawang na, sanhi ng pagkatuyo ng tubig ng nakaraang mga araw sa mga "Dam" na ito!
Ang taong bayan ay gulong-gulo na ang pagiisip sa pagtaas ng pagtaas ng ating kuryente, gusto man nilang magbayad ng maayos ay hindi magawa dahil sa kakulangang ng budget, sa ngayon halos wala na silang maibigay na baon ng kanilang mga anak sa pag-aaral dahil inilalaan nilang pangbayad sa kanilang kuryente, sa pagtaas muli nito na inihayag muli kagabi sa mga TV News ay baka paglakarin na lang nila ang kanilang mga anak papunta sa eskuwela kung ito ay namamasahe, wala kayang magagawa ang ating bagong administrayon dito sa problemang ito?
Kung ang problema lang ang "Pagsasa-Pribado" ng Napocor na hindi napapayagan ng bagong administrasyon ay payagan na, na mapunta ito sa mga hidhid na namumuhunan kung ito lang ang sagot sa pagbaba ng kuryente, tutal sanay na naman tayong ibenta ang mga pag-aari ng gobyerno!
At kayo namang namumuhunan, ang tangi naming masasabi sa inyo, ang mga perang patuloy ninyong pinararami ay hindi naman ninyo iyan madadala sa impiy.... na ibibigay sa mga demo... para lagyan kayo ng aircon, dahil sa impiyer.. man ay mataas na din ang kuryente dahil sa kagagawan ninyo!
********888********
Kung hindi po mabasa ang nakalarawan ay mangyari pong paki-klik ang "My web page" na makikita sa aming "View my complete profile", salamat po sa inyong mga nagbasa nito, at nawa'y kaawaan ng ating "Panginoong Diyos" ang bansa nating papunta sa mas lalong paghihikahos, GOD Bless po sa lahat!
Ano ba talaga ang problema ng mga mamamayan ng "Pilipinas" at hindi maibigay sa atin ang mga ipinangangako ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno?
Sa nakaraang mga araw, sabi ang problema daw ayon sa Media ay dahil sa kakawalan ng tubig sa "Dam" kaya hindi mapaandar ang mga "Hydro Electric Power Plant" na nasa mga "Dam" na ito. Ngayong naguulan na, ang sabi naman ay hindi mapapaandar ang mga plantang ito ng Napocor dahil kinakalawang na, sanhi ng pagkatuyo ng tubig ng nakaraang mga araw sa mga "Dam" na ito!
Ang taong bayan ay gulong-gulo na ang pagiisip sa pagtaas ng pagtaas ng ating kuryente, gusto man nilang magbayad ng maayos ay hindi magawa dahil sa kakulangang ng budget, sa ngayon halos wala na silang maibigay na baon ng kanilang mga anak sa pag-aaral dahil inilalaan nilang pangbayad sa kanilang kuryente, sa pagtaas muli nito na inihayag muli kagabi sa mga TV News ay baka paglakarin na lang nila ang kanilang mga anak papunta sa eskuwela kung ito ay namamasahe, wala kayang magagawa ang ating bagong administrayon dito sa problemang ito?
Kung ang problema lang ang "Pagsasa-Pribado" ng Napocor na hindi napapayagan ng bagong administrasyon ay payagan na, na mapunta ito sa mga hidhid na namumuhunan kung ito lang ang sagot sa pagbaba ng kuryente, tutal sanay na naman tayong ibenta ang mga pag-aari ng gobyerno!
At kayo namang namumuhunan, ang tangi naming masasabi sa inyo, ang mga perang patuloy ninyong pinararami ay hindi naman ninyo iyan madadala sa impiy.... na ibibigay sa mga demo... para lagyan kayo ng aircon, dahil sa impiyer.. man ay mataas na din ang kuryente dahil sa kagagawan ninyo!
********888********
Kung hindi po mabasa ang nakalarawan ay mangyari pong paki-klik ang "My web page" na makikita sa aming "View my complete profile", salamat po sa inyong mga nagbasa nito, at nawa'y kaawaan ng ating "Panginoong Diyos" ang bansa nating papunta sa mas lalong paghihikahos, GOD Bless po sa lahat!
Subscribe to:
Comments (Atom)


